"Ang tiwala ay isang bagay,
nasa ibang tao ay madaling ibigay.
Pagka-kaibigan ay dito nakabatay,
pati na rin ang makakasama mo sa buhay.
Ito ay madaling kuninsa sinoman,
ng mga mapag balatkayong mamamayan.
Kaya kadalasan ang karamihan ay nasasaktan,
ang iba naman ay nananakawan.
Ang puso ko sa'yo, sa kanya, sa kanila,
huwag basta-basta magtitiwala sa iba,
lalo na sa hindi masyadong kakilala,
dahil walang nakakaalam kung ano man ang balak nila.
Ang tiwala ay parang isang salamin,
na kapag nabasag ay kay hirap buuin,
maibalik mansa dati ang iyong mithiin,
mapagdikit-dikit man ay may lamat pa din."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento