Huwebes, Disyembre 22, 2011

"Lihim na Pagsinta Ko" by: BlueCrystal

"Bakit laging nasa isipan ko,
at laging hinahanap ng puso.
Hiling na sana'y makaharap ko.
Saglit man sana'y makausap ko.

'Pag nakikita ka ako'y nahihiya,
sa dibdib ko'y parang mayron pang sumisipa.
Ako'y umiiwas kapag nakatingin ka,
upang sa aki'y di ka makahalata.

'Pag naman ika'y lumalapit na,
ako'y kinikilig pa talaga.
Kalakip man ito ay may kaba,
ramdam pa rin ang lubos na saya.

Pilit itinatago sa aking puso,
ang damdamin kong napakagulo.
Sana nga'y walang makahalata nito,
upang 'di na kumalat pa sa buong bayan ito.

Aking isipan ay litong-lito!
Bakit kaya nagkakagakito?
Ano nga kaya talaga ito?
Nararamdama'y di ko masiguro.

Pag-ibig na nga kaya ito?
Oh! pag-ibig lang ng batang puso?
Kahit ano pa ang nadaramang ito,
'di sana makahalata sa lihim na pagsinta ko."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento