Oh! Aking iniirog, ako'y iyong hagkan!
Sa higpit ng yakap, tiyak akung lulan,
sa init ng tangan, sa tamis ng angasan
Kaluluwa'y lutang sa tindi ng giliwan.
Aking pagnanasang di mapigil-pigilan,
iyong katauhan pilit na inaasam.
Aking ipaglalaban pag-ibig na tunay,
sa taong pumigil sa 'ting pagmamahalan.
Pag-ibig nga ba? Oh, marahil kabaliwan!
Ang kumitil ng buhay pagkat ka-ibigan.
'Wag nawang mangyari na humantong sa ganyan!
Totoong kahibangan, gawang karahasan.
Puso ko'y lugmok sa alimura't pighati,
sa tinding dagok hanggang sa buto'y tumagos.
Ito ba ang bunga ng pag-ibig ko sa'yo,
sa batong puso na 'di lang tamnan ng awa!
Ngunit 'wag manghinayang sa sikap na nawala,
pagkat may datong Sya sa taong nagdusa,
nabigo, nag-alay, nagbuwis at nagmahal
ng 'sang taong marangal yun pala'y pangahas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento