Huwebes, Disyembre 22, 2011

"Inay, Para Sayo" by: BlueCrystal

"Wala na ngang makakhigit pa, 
sa pagmamahal ng isang Ina. 
Kahit anung hirap kinakaya,
basta para sa kanyang pamilya.

Palagi kang nasa aking tabi,
hangad mong lagi ay mapabuti.
Magandang buhay ang minimithi,
para lang sa aki'y dasal mong lagi.

'Pag may kasalanan ako sa iyo,
pinapatawad mo agad ako.
Kapag naman angkakasakit ako,
ako'y laging binabantayan mo.

Ilaw ka na ng aming tahanan,
at Nurse kapag ako'y nasusugatan.
Lahat na yhata ginagamapanan,
kahit sa loob lang ng tahanan.

Ang tulang ito ay para sayo,
tulang nagmula sa aking puso. 
Magbigay sana ng tuwa sayo,
hiling na sana'y magustuhan mo.

Panalangin ko sa Amang banal
na ikaw nawa ay maingatan,
bigyan ng lakas sa araw-araw, 
at gabayan sa daan ng 'yong buhay."


*I love you mama*

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento